7 TIPS PARA SA MABILIS AT SIGURADONG REMITTANCE

Narito ang ilang tips upang maging mas mabilis at mas sulit ang pagre-remit ng pera mo:
 
Piliin ang pinakaconvenient na paraan para sa iyo at papadalhan mo
     Maraming paraan upang maipadala mo ang pera mo sa mga mahal sa buhay - sa bangko, sa Western Union, sa pribadong remittance companies at ecash (cellphone). Kung mas madali magdeposit sa bangko para sa iyo, may malapit bang remittance branch sa papadalhan mo?
 
Gumamit ng Electronic Transfer at Bank Remittance
     Bukod sa mas matipid ito, mas sigurado ka pa na makakarating ito sa iyong pamilya. Alalahanin lamang na may maintaining balance sa interbank remittances.  Huwag magpadala ng pera o cheque sa regular mail o courier services. Madalas ay mahal at matagal bago ito makarating. Maaaring mawala ang pera mo.
 
Piliin ang kilala at mapagkakatiwalaang kompanya sa pagreremit.
     Hindi biro ang magtrabaho. Piliin kung saan sigurado at panatag ka.
 
Huwag magpadala sa kung sino-sino
     Ipangalan ang pera sa kapamilya o sa taong nais mong padalhan. Iwasan na ipaabot ang pera. Maaring mabawasan pa ito bago makarating sa minamahal mo.
 
Ikumpara ang fees at charges
     Iba't iba ang sinisingil ng bangko at remittance companies. May mga bangko na may dagdag na fee sa pagpalit ng pera (dolyar/yen sa piso). Alamin at ikumpara ang mga ito.
 
Ugaliing kunin ang control number ng money transfer transactions
     Gamitin ito para mai-track ang remittance mo.  Kung maaari, tawagan, i-text o i-email ang papadalhan upang maiwasan ang pagkaloko o pagkawala ng pera.
 
Kumuha ng loyalty card
     Dahil sa madalas ang pagpapadala mo ng pera, mainam na kumuha ka ng loyalty card upang makatanggap ng perks, freebies o bonuses sa pagpapadala mo ng pera.  Malaking tulong na rin ang discount at mga regalo na maaari mong mahuha.
 
HINDI KAILA NA MAHIRAP MANGIBANG BAYAN UPANG BUHAYIN ANG PAMILYA, KAYA NARARAPAT LAMANG NA ANG BAWAT SENTIMO NG PINAGHIRAPAN MONG PERA AY MAKARARATING SA MGA MINAMAHAL MO.

Powered by by Lyngwiz.com