You are here

Wow Pinas: Cebu

Ang atraksiyon ng Cebu ay ang dynamikong negosasyon ng parochial at ng cosmopolitan sa bahaging ito ng Pilipinas. Tuwing naiisip ang Cebu maaalala agad natin: ang langit na asul ng mga karagatan dito,
ang walang katapusang pinong mga buhangin sa dalampasigan, ang araw sa iyong pisngi, ang horizon sa dapithapon kung saan makapigil hininga ang paghalik ng langit sa dagat.
 
Sa kabilang banda, kapag pinag-uusapan itong Queen City of the South, maiisip rin natin ang mayabong na ekonomiya ng mga lokal na industriya, ang marikit na ilaw sa maliit at asenso nitong siyudad, ang bilis ng pulso ng metropolis na tila ayaw magpahinga.
 
Sa Enero, lalong tumitingkad ang mga katangiang ito ng Cebu dahil dinaraos ang pinakaunang ispektakulo ng bansa sa bawat taon, ang Sinulog Festival. Hindi mapapantayan ang karanasang makasama sa pagdiriwang na ito: ang dagat ng mga tao, ang festive air, ang excitement sa paligid, ang tingkad ng mga kulay, ang musikang may perpetwal na ritmong manunuot sa bawat dumadalo.
 
Sa Sinulog Grand Parade, paparada ang mga floats, magmamartsa ang mga higanteng paper mache, mangaaliw ang puppeteers. Pero ang pinakahihintay ng lahat ay ang pagdating ng mga Festival Queens - nagtatanghal sa gitna ng libu-libong katao, pero ang sayaw nila ay para lang kay Sto. Nino, ang patron ng pista.
 
At kahit pa bumisita tayo nang tapos na ang tatlong araw na pagdiriwang, at kahi t pa bumalik na ang Cebu sa pang araw-araw nitong takbo, ang pagpunta sa Cebu ay siguradong malayo pa rin sa ordinaryo. Ang pagbiyahe sa Cebu, kung saan tamang-tama ang timpla ng business at leisure, ng siyudad at probinsya, ay totoo ngang simula pa lang ng ilanlibo pang mga paglalakbay.
 
Gateway to a thousand journeys
Cebu is famous for the Magellan's Cross, its paradise-perfect beaches in Malapascua and Mactan Island, and world-class Cebu mangoe. But aside from these, here are other reasons that make Cebu a traveler's must-go destination.
 
The Best Inihaw in Town
Para sa ultimate food trip, dinadayo ang Larsian, malapit sa Fuente Osmena and Chong Hua Hospital. Dito matitikman ang pinakamasarap na inihaw - pork, chicken, at siyempre iba't ibang seafoods.
 
The Funky Nightlife
Sabi ng iba, mas exciting ang nightlife ng Cebu kesa Manila. Cebuanos know how to party! At sa dagsa ng Korean community, nagsulputan rin ang KTV spots sa gimik areas.
 
The Divers Marine Life
Cebu offers beautiful coastlines that provide scuba diving enthusiasts an unrivalled haven with a number of diving sites. Kilala ang Cebu sa nakakamangha nitong coral reefs, at mga yamang dagat tulad ng black coral, aquamarine and pink pearls.
 
The Perfect Pasalubong
Danggit.Paired with hot sinangag at sinawsaw sa sukang may tinadtad na sili at kaunting asin: ito ang ultimate Pinoy breakfast - lalo na kung kakainin mong nakakamay.
 
The Hero
Kung pupunta ng Magellan's Cross, lalong dapat magbigay-pugay sa Liberty Shrine sa Punya Engano, Mactan Island. Ito ang monumento para sa alaala ng unang Pinoy hero, si Datu Lapu-Lapu!
 
The Divas
Nasa Cebu ata pinapanganak ang pinakamaraming songbirds. Dulce, Dessa, Vina Morales, Verni Varga, Ana Fegi, Sheryn Regis at Rochelle "Raki" Vega - lahat sila Cebuana

Theme by Lyngwiz.com