You are here

Beyond Boracay Discover the Philippines Finest Beaches

by Tessa De Leon
 
Umpisa na ng Summer Season! Tulad ng dati, karamihan sa atin ay nagbabalak ng gugulin ang panahong ito kasama ang pamilya at mga kaibigan sa mga naggagandahang beaches ng Boracay. 'Pag sinabi mo'ng summer, ito na yata ang isa sa pinaka-unang destinasyon na naiisip natin.
Ngunit sa mahigit -kumulang na 7000 kapuluang bumubuo sa Pilipinas, isa lamang ang Boracay sa mga baybay-dagat na maipagmamalaki natin. Kaya naman naisipan naming gumawa ng listahan ng ilan sa mga white beaches sa ating bansa na maaring pumantay o kung hindi man ay makahigit pa sa Boracay.
 
Gota Beach
(Caramoan Peninsula, Camarines Sur)
 
Ito ay binubuo ng dalawang cove: ang Small Gota Beach sa timog at ang Large Gota Beach sa hilaga na bahagi ng Caramoan National Park. Ang Large Gota Beach sa hilaga ang nagsisilbing jumping point para sa island hopping. Para sa mga hindi nakakaalam, ang Gota Beach ang nagsilbing lokasyon ng 8th Season ng Survivor, France. Nanatili sila dito ng humigit-kumulang 3 buwan at ang mga ginawang cabana na tinirhan nila ay nagsisilbi ngayong tourist attraction. Hindi na nakapagtataka pa kung bakit nabighani ang mga dayuhang ito sa kagandahan ng lugar. Bukod sa pinong buhangin na maikukumpara sa Boracay at malayo sa ingay at maraming tao, ang tanawin at aerial shots ay sadyang makapigil-hininga.
 
Alone Beach
(Panglao, Bohol)
 
Isa sa mga naggagandahang beaches ng Panglao ay ang Alona Beach. Ito ay magandang puntahan kapag gusto mong mag-enjoy sa diving o simpleng relaxation dahil ang Alona Beach ay maraming hotels at diving services. Ang beach na ito ay nasa timog-kanlurang bahagi ng Panglao Island at ang kahabaan  nito'y binubuo ng kalahating kilometrong puting buhangin.
 
Ang Panglao ay isang maliit na isla sa tabi ng Bohol Island na napapagitnaan ng Cebu at Leyte Island. May tulay sa pagitan ng Panglao at Tagbilaran kaya't maari itong marating sa pamamagitan ng sasakyan panlupa. Isa pa sa nakapang-aakit na mga turista ay dahil sa malapit ito sa Balicasag Island, na isa sa pinakasikat na diving spots sa buong mundo.
 
Samal Island
(Davao)
 
Dito matatagpuan ang sikat na Pearl Farm Beach resort, na isang tunay na pearl farm noong unang panahon. Maganda at exotic, ito ay isang paraisong baybayin na matatagpuan sa Davao Gulf na hindi nalalayo sa Davao City. Bukod sa masaganang karagatan, ito ay biniyayaan ng white sand beaches at nakakabighaning rock formations. Tuklasin ang rock formations na ito at ang iba pang tinatagong yaman ng isla tulad ng mga ilog, talon, at antique mansions at mga sinaunang bahay sa pamamagitan ng guided tours. Ang Samal Island ay magandang tunguhin ng mga taong naghahanap ng tahimik at mapayapang lugar  kung saan maari kang makibahagi sa iba't ibang exciting nature activities.
 
Honda Bay
(Palawan)
 
Kapag napag-uusapan ang pinakamagandang beaches ng bansa, hindi maaring mawala ang pamosong  beaches ng Palawan ay nagsilbi din na lokasyong para sa isang season ng Survivor, France. Sa pamamagitan nito ay lalong lumakas ang turismo sa bahaging ito ng Pilipinas, lalo na ng mga turistang galing Europa.
 
Ang Honda Bay, na tinaguriang "The Last Frontier", ay binubuo ng ilang maliliit na isla kung saan matatagpuan ang ilan sa pinaka-ekslusibong resorts sa bansa. Ang mga islang ito ay paboritong puntahan ng mga mahihilig sa mag-island hopping, swimming, snorkelling, at diving. Ang ilan sa mga kilala dito ay ang Cowrie at Bat Island, Snake Island, Canon Island, Pandan Island, Starfish, Maera Marina, Senorita Island, at ang Lu-Li Island ("lubog, litaw").

Theme by Lyngwiz.com