You are here

Paris City Of Light

Ang Paris ay nananatiling sentro ng destinasyon ng mga negosyante, estudyante, at ng mga deboto sa relihiyon ng kristianismo, subalit ang 'turismo' ay naging makabuluhan lamang nuong pagkakaroon ng 'rail travel'. Dumagsa na rito ang turismo at nakapagdulot ng malaking
impluwensya upang itoy mapaganda pa ng husto, nag umpisa ito nuong 1855. Simula rito, nag sunod sunod na ang mga naglalakihan at naggagandahang estratura, isa na rito ang Eiffel Tower nuong 1889. Ang mga ito, kabilang ang Capital's 2nd Empire, ay nagdulot ng magagarang atraksyon ngayon.
 
Paris' museums at monuments ay ang pinaka-sikat na atraksyon, at ang mga turista ang mismong nakikinabang sa mga 'works-of-art' na ito. Lalong naenganyo ang bansa na magtayo ng mga bagong gusali. Ang pinaka sikat na museum, ang Louvre, ay nakapagtala ng lampas 8-milyong bisita taon-taon, at napabilang sa 'Worlds most visited museum'. Ang isa pang atraksyon ay ang kanilang cathedrals, and Notre-Dame Cathedral at ang Basilique du Sacre-Coeur ay nakapagtala ng 6-milyon bisita bawat taon at nakapagtala ng halos 200-milyong katao simula ng ito ay itayo. Ang Disneyland Resort Paris ay isa sa major tourist attraction hindi lang sa mga turista ng Paris kundi ng buong Europa ay nakapagtala ng 12.4-milyong bisita nuong 2004.
 
Ang Louvre ay ang pinaka malaki at pinaka sikat na museum, ay naglalaman ng mga tanyag na sining, kabilang na rito ang Mona Lisa (La Joconde) at ang Venus de Milo statue. Mga gawa ni Pablo Picasso at Auguste Rodin ay makikita sa Musee Picasso at Musee Rodin. At ang artistic community of Montparnasse. Ang Centre Georges Pompidou, na mas kilala sa Beaubourg ay matatagpuan sa Musee National d'Art Moderne. At di rin pahuhuli ang mga artefacts mula nuong Middle Ages at Impressionists era ay matatagpuan sa Musee Cluny at Musee d'Orsay.
 
Marami sa Paris' lokal na establisyemento ay umusbong at na adopt ang French culture sa pamamaraan ng panlasa ng mga turista. Ang Le Lido, The Moulin Rouge cabaret-dancehall, ay isang halimbawa. Nuong araw, ito'y isang dinner theatre spectacle, ang isang uri ng entertainment na nirerespeto nuong ilang daang taon na ang nakakaraan. Ang lahat ng kultura ng Paris tulad ng ballrooms at gardens ay wala na ngayon. Naging dependent na lamang ang mga hotel at restaurant at entertainment sa bugso ng turismo sa bansa. At ito ang nagpapasigla sa Paris, ang kanilang City of Lights.

Theme by Lyngwiz.com