You are here

Truly Asia: Bangkok

Can't Get Enough of Bangkok Best City in the World!
 
by Tessa De Leon
 
Kamakailan lamang ay pinarangalan ang Bangkok ng Travel + Leisure Magazine bilang "Best City in the World" para sa taong 2008. Nakakamit na rin ang Bangkok ng karangalan mula sa nasabing magazine noong ihanay ito bilang pangatlo sa Asia's Best Tourist Destination noong 2006. Ang Bangkok ay nagsimula bilang isang trading center sa kanlurang bahagi ng ilog Chao Phraya dalawang daang taon na nakakaraan. Ito ay isa sa pinaka-tanyag na tourist hotspots sa buong mundo dahil sa mayamang kultura,
exciting night life, at shopping havens. Noong 2007 ay halos 15 milyong turista ang naitala ng Tourism Authority of Thailand, higit na mas mataas kaysa sa 11.6 milyon noong 2005. Patunay lamang na Bangkok is one of the hottest places to be this year!
 
Narito ang Top 5 Most Popular Historical Attractions sa Bangkok na maari n'yong puntahan:
 
The Grand Palace
Hindi makukumpleto ang inyong pagbisita sa Bangkok kapag hindi ninyo mapuntahan ang Grand Palace. Ito ang nagsilbing tirahan ng hari sa loob ng 150 taon at itinayo noong 1782.
 
Chinatown (Yaowarat)
Hindi pa rin nababago ng makabagong panahon ang kultura at relihiyon ng mga relocated Chinese dito mula sa Rattanakosin (Old City). Makulay at abalang lugar na siksik sa market stalls at gold shops, ito ay sadya namang naiiba sa kabuuan ng Bangkok.
 
Floating Market
Isa pa sa hindi mo dapat makaligtaan ay ang Floating Market kung saan makakakita ng samu't-saring tropical fruits at gulay, sariwang coconut juice at mga lokal na pagkaing niluto mula sa floating kitchenettes.
 
Wat Arun (The Temple of Dawn)
Ang Wat Arun ay nasa kanlurang bahagi ng Chao Phraya River. Pinaniniwalaang dumating sa templong ito si Haring Taksin pagkatapos makipaglaban sa mga Burmese army bago mag-bukang liwayway. Ipinaayos niya ito at tinawag na Wat Chaeng, the Temple of the Dawn.
 
Wat Pho
Makikita ito likod ng nakabibighaning Temple of the Emerald Buddha. Ang Wat Pho (Temple of the Reclining Buddha) ang pinakamalaking templo sa Bangkok at tanyag sa malaking reclining Buddha na may sukat na 46 metrong haba at natatakpan ng gintong dahon.
 

Theme by Lyngwiz.com