You are here

Wow Pinas: Malapascua

Dive in to Malapascua uncover this paradise's hidden treasures
 
by Tessa De Leon
 
Ang isla ng Malapascua ay matatagpuan sa Daanbantayan, sa gitna ng Pilipinas, mga walong kilometro sa hilagang-silangan ng isla ng Cebu sa berde't bughaw na dagat ng Visaya. Malayo mula sa mataong lugar ng matanyang na Boracay, ngunit napakadali namang puntahan mula sa international na paliparan ng Cebu. Ito ay isang maliit na paraiso na biniyayaan ng samu't-saring bagay na kinagigiliwan ng mga adventure seekers.
Maari kayong sumisid sa napakalinaw na karagatan sa gitna ng mga nasirang World War II Japanese ship, mag-snorkelling kasama ang isla, o kaya ay magrelaks sa puting buhangin at hayaan ang hangin na tumatama sa mga palm trees na makapagtulog sa'yo. Kapag narating mo'y siguradong babalik-balikan mo ito.
 
Ang maliit na isla ng Malapascua ay isa sa napakaraming lugar ng Daantabayan na kilala sa swimming, snorkelling, diving, fishing, sailing, boating, exploring at sa pagrerelaks lang. Ang mga bangka dito ay maaring maupahan sa Malapascua/Daanbantayan area, na maaring magdadala sa mga bisita sa mga kalapit na isla na hindi madalas napupuntahan, gaya ng Carnassa, Calanggaman, Kanatarken, Gato, Chocolate Island - at marami pang iba.
 
Ang ibig sabihin ng Malapascua ay "Bad Christmas", at ipinangalan kay Ferdinand Magellan noong dumating ito sa isla sa araw ng pasko noong taong 1553. Naghanap sila ng tubig at iba pang pangangailangan ngunit wala silang nakita. Ngayon, ang Malapascua ay tinataguriang "the next Boracay". Marami sa  mga turista ang mas gustong manatili dito dahil hindi ito crowded at nananatiling malinis. Ang isla ay maraming natatagong yamang naghihintay sa mga adventure seekers. Kadalasang hanapbuhay dito ay turismo, ngunit ang ilan ay umaasa pa rin sa pangingisda at pagsasaka.
 
Bukod pa dyan, ang Malapascua ay isang diver's paradise. Nadiskubre ito noon lamang panahon ng early 1900's. Ang islang ito ay natuklasan dahil sa malawak na puting buhangin nito at nang kalaunan ay mga naggagandahang coral gardens at excellent dive spots malapit dito. Ito rin ay isa sa mga pinakamagandang shark diving location sa Pilipinas. Ilan sa mga sharks na makikita dito ay ang White Tips, Black Tips, Bamboo Nurse, Cat, Hammerheads at ang magnificent Thresher Shark. Ang Monad Shoal ng Malapascua ay kilala rin bilang natatanging lugar sa mundo kung saan ang Treshers ay maari mong pagmasdan ng malapitan araw-araw.
 
Lodging
Marami kang pagpipilian na mga tutuluyan pagdating mo sa isla. May iba't-ibang accomodation mula sa simpleng kwarto pati maliliit na cottages kasama na ang lahat ng inyong basic necessities. Tulad sa karamihang resorts, libre na rin ang almusal para sa overnight accomodations. Noong unang mga taon ay nag-iisa lamang ang beach resort sa isla - ang Cocobana Bounty Beach Resort. Nang kalaunan ay dumami ang mga beach resorts dito kaya't naging mas tanyag ang Malapascua sa mga turista.
 
Getting there
Lima hanggang anim na oras ang kinakailangan upang makarating sa Malapascua Island mula sa Cebu North Bus Terminal na dadaan sa hilagang bahagi ng Cebu mainland. Pagdating sa Maya wharf, may mga motorized na outrigger boats na magdadala sa mga panauhin sa Malapascua Island mula sa makitid na channel mga 30 minuto mahigit, depende na lamang sa lagay ng panahon. Madalas ang biyahe patungo sa isla ay naka-skedyul bawat 30 minuto sa loob ng 24 oras at magsisimula mula alas-9 ng umaga para sa unang bangka at alas-4 ng hapon para sa huling bangka. Kaya kung hanap mo'y kakaibang island adventure, huwag nag magdalawang isip pang pasyalan ang Malapascua island ng Cebu!
 
Tara na sa Cebu!
Ang mga eroplano dito ay lalapag sa Mactan International Airport. Ang mga tauhan sa tourist information counter na nasa arrivals hall ang tutulong sa'yo upang makakuha ka ng taxi o kaya shuttle papunta mismo sa Cebu City, walong (8) kilometro mula sa suspension bridge na nagdurugtong sa Mactan Island sa main island ng Cebu. Isa pang alternatibo din ang pagsakay sa taxi hanggang sa Lapu-Lapu City sa Mactan Island. Mula dito ay maari ka nang sumakay sa pampublikong sasakyan. Ang 'arrival point' para sa mga ferries ay ang harbor area lagpas ng Fort San Pedro. Ang mga jeepney at bus ay nakapila lamang sa may Quezon Boulevard para sa isang maikling biyahe patungo sa siyudad. Hanapin lang ang mga sasakyan na may nakasulat sa Osmena Boulevard o Colon Street. Tara na sa Cebu. Tayo na't magsaya at magkitakita dito. Maayong pag abot sa Cebu! Maligayang pagdating sa Cebu!

Theme by Lyngwiz.com