You are here

Truly Asia: Macau

Asia's Little Europe
Kung pangarap mong magkape sa romantikong plaza na ala-Paris o di kaya'y maging highroller sa mga big-time casino, hindi mo na kailangan lumipad papuntang  Europa o Las Vegas. Sa maliit na siyudad ng Macau sa kanlurang bahagi ng Tsina, matutupad ang mga pangarap mong ito.
 
Little Europe
Dahil sa natatanging lokasyon nito, naging pier ang Macau ng maraming bansa noong 1500s. Dumaan sa mga port nito ang Olandes, Portuges, at pati na rin ang mga taga-India, hanggang sa naging koloniya na ang Portugal ang Macau matapos ang halos tatlong dekadang kalakalan. Matapos ang halos 400 na taong okupasyon ng Portugal ang Macau, ibinalik ang Macau sa Tsina noong Disyember 1999. Sa nagyon, kitang-kita sa kultura, arkitektura, at pagkain ng mga Macanese ang impluwensiyang Europe.
 
Ang Historic Centre of Macau ay ang koleksyon ng halos 30 makasaysayang plaza at gusali na my Euro-Asian  na arkitektura at design. Ang ibang gusali ay mga templong mas matanda pa sa Macau, tulad nalang ng A-Ma Temple na karaniwang dinadayao ng mga taong kapag Chinese New Year para humiling ng swerte sa darating na taon. Kapag pumunta ka rito, 'wag kalimutang hawakan ang tuktok ng moon gate na pinaniniwalaang magdadala ng swerte sa pag-ibig.
 
Bukod sa mga templo, ang Historic Centre of Macau ay may mga mala-Eurpeong opisina, pamilihan, kapihan at kainan. Kaya kung nais mo nang magpahinga pagkatapos ng palalakwatsa, pwde kang umupo sa tabi ng mga magagandang fountain nila, o di kaya'y magkape at kumain ng kanilang mga handang Chinese-European ang fusion. Ngayon, ang mga lugar na ito ay popular na tambayan ng mga tao at madalas pa ay pinagdaraosan ng mga event at pagdiriwang.
 
Las Vegas of the East
Higit pa sa kultura ay maraming dumarayo sa Macau upang makapaglaro at makapagsugal. Legal ang pagsusugal dito kung kaya naman napakagara ng mga naglalakihang Las Vegas casinos dito. Ngayon, kilala ang Macau sa pagiging Las Vegas of the East.
 
Makikita sa Macau ang mga sikat na casino at hotel tulad ng Sands Macau, MGM Grand Macau, at ang pinakamalaking casino sa buong mundo, ang Venetian Casino Resort. Dahil rin sa world-class facilities ng Macau, madalas ay dito nagshushooting ang mga malalaking pelikula sa Hollywood at pati na rin sa Pilipinas. Alam n'yo ba na ang teleseryeng Palos nina Cesar Montano, Sunshine Cruz at Jake Cuenca ay sa Macau at sa Venetian Casino Resort nagshoot?
 
Tinaguriang isa sa mga pinakamayamang lungsod sa mundo, ang Macau ay patuloy na lumalaki. Sa dami ng cultural heritage sites, casino, kalidad na textile industry, at ang world-class cuisine, ang Macau ay isa sa mga one-stop-shop na vacation destinations dito sa Asya.

Theme by Lyngwiz.com