You are here

Truly Asia: Chiang Mai

Experience Chiang Mai!
 
by Pryme Queblatin
 
 
Tanungin mo ang mga Pinoy na nakapunta na ng Thailand kung paano niya mailalarawan ang Thailand sa isang konsepto, at ilan sa mga una mong maririnig ay "spicy food", "Buddhist temples", "shopping", at "elephant. Lahat ng ito ay mararanasan at makikita mo sa Chiang Mai, ang tinaguriang northern capital ng Thailand.
 
Kung ang South ng Thailand (kung nasaan ang Phuket), ay kilala sa white sand beaches at mga water sport activities; ang Northern Thailand naman (kung nasaan ang Chiang Mai) ay kilala sa mountain scenery at mga outdoor nature activities. Sa Chiang Mai rin makikita ang kultura at natural na kagandahan ng Thailand.
 
Sa Chiang Mai, mayroong tamang balanse ang pagkasiyudad at ang pagkaprobinsya - may kombinasyon ng cultural, historical, natural, at shopping attractions. Dahil dito, isang one-stop tourist destination ang Chiang Mai.
 
Masasabing tourist-friendly ang Chiang Mai; friendly sa bulsa at friendly din para sa mga turistang walang plano. Tila handa at bihasa na ang Chiang Mai at mga taong nakatira rito na tanggapin ang mga turistang dumarayo dito taon-taon.
 
"Hindi mahirap i-eplore ang Chiang Mai, ang kailangan mo lang ay isang mapa at sense of adventure."
 
Maraming murang guest houses at di mauubusan ng mga affordable sight-seeing at adventure tours na inoffer sa Chiang Mai. Maliban dito, madali lang makahanap ang mga travel agencies sa Centro (tinatawag din na Old Town) ng Chiang Mai. Hindi mo na rin kailangan lumayo sa pinagtutuluyan mo na guesthouse o hotel para makalibot dahil kadalasan ay mayroon na rin silang ino-offer na mga package tours.
 
Convenient at sulit ang mga package tours sa Chiang Mai. Madami kang mapapagpiliang iba't ibang klase ng tour, depende sa iyong gustong makita at gawin.
 
Para sa mga mahihilig sa outdoors, nature activities at ibang klaseng adventure, may mga one- to three-day tours kung saan magagawa mo na ang white water rafting, bamboo rafting, trekking or hiking, visit sa hill tribe villages, mountain biking, swimming sa waterfalls at elephant riding.

Kung ang hilig mo naman ay sight-seeing, may mga half-day at one-day tour para makita ang mga "must-see" attractions sa Chiang Mai. Ilan dito ang Wat Phrathat Doi Suthep, Phu Ping Palace, at ang Doi Inthanon International Park. Ang Wat Phrathat Doi Suthep ay isang sacred temple sa Chiang Mai na nasa tuktok ng Doi Suthep Mountain. Sa lugar na ito, maganda ang view overlooking ng Chiang Mai at magandang pagmasdan ang sunrise at sunset mula rito.
 
Galing sa Chiang Mai, maari ka ring makapag-arrange ng tours papuntang Chiang Rai at Mae Hong Son na katabi lamang ng Chiang Mai sa mapa.
 
Buhay ring Chiang Mai sa gabi. Nagkalat ang mga bar at restaurants sa tabi ng Mae Ping River at mayroon ding mga ino-offer na dinner cruise sa ilog.
 
Isa sa magiging highlight ng trip mo sa Chiang Mai ay ang shopping experience sa "NIght Bazaar". Araw-araw bukas ang night bazaar at sa ibang araw (Saturday at Sunday), may kasabayan pa itong iba pang night markets. Sa dami ng dapat mong lakarin at tignan sa mga gabing ito, tiyakin mong may dala kang sapat na pera at lakas! Madaming makikita at pagpipilian na mga damit, handicrafts, silk, silver, ceramics, decorations, antiques at kung anu-ano pa. Sa ating mga Pinoy na mahilig tumawad, madali nalang anng makakuha ng "good bargain" sa Chiang Mai night market.
 
Siguradong hindi ka mauubusan ng gagawin sa Chiang Mai, mapa-araw man o mapa-gabi. Sa pagpunta mo ng Chiang Mai, mararanasan mo ang maio-offer ng Thailand sa mundo!

Theme by Lyngwiz.com